Binabalaan ang publiko na mag-ingat kay TOMMY CHEUNG,
tagapamahala ng Jade Human Resources Specialist Co.
Ayon sa pulisya ng Hong Kong, nangangako diumano ng labour quotas si Cheung para
makapagtrabaho ang mga Pilipinong manggagawa sa kasalukuyang ginagawang tulay
na mag-uugnay sa Hong Kong, Zhuhai, at Macau. Humihingi rin siya ng pera
pambayad sa rehistrasyon at pagproseso ng mga nasabing aplikasyon.
Nilinaw naman ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) na
sa kasalukuyan ay walang labour quotas para sa nasabing proyektong ito,
kaya nangangahulugan na nanloloko ng mga aplikanteng Pilipino si Cheung.
Kung sino man ang mayroong karagdagang impormasyon ukol sa
mga gawain ni Cheung, makipag- ugnayan sa pulisya ng Hong Kong sa telepono
bilang 2859-9292 o sa Konsulado Heneral ng Pilipinas sa telepono bilang
2823-8501.