HKPCG-PR-29-2010

Tunkol sa TEXT MESSAGES na di umano'y galing sa Konsulado

30 August 2010

Ipinapaalam ng Konsulado sa publiko na maliban sa text o SMS advisory na base sa HKPCG-PR-28-2010 (basahin po sa www.philcongen-hk.com), wala pong ibang ipinadalang text message ang mga opisyal nito hanggang sa mga oras na ito.

Pinapaalala po namin na lahat tayo ay maging mahinahon at maunawain. Kung maari, sumama sa mga misa, memorial service o vigil para sa mga biktima ng trahedya (ang schedule po ay nasa www.philcongen-hk.com). Mag-alay po tayo ng dasal para sa kanila at sa kanilang pamilya, lalo na kay Mr. Jason Leung na hanggang ngayon ay malubha ang kalagayan.

Ipadama po natin sa mga mamamayan ng Hong Kong ang taos puso nating pakikiramay.

 

 

 
Copyright (C) Consulate General of the Philippines

6/F United Ctr, 95 Queensway, Admiralty, H.K.       Tel : 2823-8500 / 2823-8501     Fax :  2866-9885 / 2866-8559