Ang Filipino community sa Hong Kong ay pinapayuhan na
maglaan ng karagdagang pag-iingat upang maiwasan ang kakaibang antibitiotic-resistant bacteria na muling natagpuan sa Hong Kong.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nalaman ng Microbiology
Laboratory ng Public Health Laboratory Services Branch (PHLSB) ang dalawang
uri ng Klebsiella pneumoniae na pumapaloob nagbibigay ng hudyat sa KPC
carbapenemase.
Ang kaparehong carbapenem-resistant bacteria na tulad
ng mga nagkakanlong sa IMP gene ay natagpuan na noon sa Hong Kong.
Ang tagapag-salita ng Center for Health Protection
(CHP) ng Department of Health ay nagsabi na ang malawak na gene na
kontra sa grupo carbapenem antibiotic ay ginagamit na pangalawang
kinatawanan.
Ang pagkakatuklas sa magkahiwalay na dalawang pasyente
sa mga pampublikong pagamutan ay isinangguni sa PHLSB.
Ang pasyente sa Queen Mary Hospital ay isang 66-taong
gulang na lalake na nagpakonsulta na sa Tsina noong Oktubre 2010.
Ang kanyang ispesimen na kinuha sa puwit ay positibo na mga kauring
KPC Klebsiella pneumoniae. Siya ay nagnegatibo sa impekyon ngunit
nagtataglay ng grupo ng mga ganitong uri. Ang pasyente ay nasa Tung
Wah Hospital at nasa matatag na kundisyon. Bilang pag-iingat, siya
ay inihiwalay sa karamihan ng mga pasyente.
Ang isa pang pasyente ay isang 24-taong gulang na
lalake at tinanggap sa United Christian Hospital. Ang kanyang ihi
ay nagtataglay ng organismo, at ito ay nakuha sa isang masusing
pagsusuri dahil sa sakit ng tiyan. Ang resulta sa laboratoryo ay
nagsasabi na walang siyang impeksiyon sa daanan ng ihi. Ang mga
sintomas ay bumaba dahil sa konserbatibong pangangalaga na hindi
ginagamitan ng antibiotics. Ang mga organismo na nakita sa pasyente
ay sensitibo sa antibiotic na gentamicin.
Sinabi rin ng tagapagsalita na ang mga organismo na
napapaloob sa KPC ay napabalita na sa iba’t-ibang parte ng mundo
lalo na sa Estados Unidos ganun na rin sa mga bansa sa Europa at
Tsina. Ang pagsulpot-sulpot ng ganitong mga kaso ay inaasahan sa
Hong Kong dahil sa globalization. Ang CHP ay naglagay ng isang
sistema na magbabantay sa antinbiotic-resistant bacteria. Ang
dalawang kaso ay magkahiwalay at walang relasyon sa isa’t-isa.
Ang walang tuos na paggamit ng antibiotics ay
nagpapalala upang hindi tablan ng antibiotics ang isang pasyente,
ayon sa tagapagsalita.
Dahil sa madalas na paggamit ng mga Pilipino ng mga
antibiotics, mas mataas ang pagkakataon na mahawa ang mga Pilipino
ng bacteria na ito.
Ang publiko ay pinapayuhan na huwag gumamit ng
antibiotic na walang payo ng isang propesyonal na manggagamot. Kung
ito ay may payo ng manggagamot, ito ay kailangan ayon sa
preskripsiyon at dosage na ibinigay.
Ang mga mamamayan ay dapat maging malinis kasama na
ang palagiang paghuhugas ng kamay gamit ang sabon. Sila ay dapat
umiwas na maghiraman ng di nalalabhang tuwalya, damit, uniporme at
pang-ahit. Ang sugat ay dapat laging linisin at takpan.
Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin lamang ang
Web site ng CHP sa www.chp.gov.hk o tumawag sa ATN section ng
Konsulado sa telephono bilang 28238506 at 2823-8512 o sa Hotline
bilang 9155-4023.