PATALASTAS
June 2003
Tinatawagan po ng pansin ang lahat ng manggagawang
Pilipino dito sa Hong Kong na sumali sa -
Paligsahan Ng Pagsulat ng Sanaysay sa Wikang Pilipino (Essay Contest)
Ito po ay may kaugnayan sa pagdiriwang ng ARAW NG
KASARINLAN (Independence Day) sa ika-12 ng Hunyo 2003 at ng "MIGRANT
WORKERS WEEK" (ika-2 hanggang ika-7 ng Hunyo).
Mga Alituntunin o Kinakailangan:
1. Ang tema ng Sanaysay: "Sa Matatag Na Republika:
Bayan Ko, Sagot Ko".
2. Ipadala ang 3 kopya ng sanaysay (essay) sa Konsulado
Heneral magmula ngayon hanggang sa ika-6 ng Hunyo, na may pangalan,
tirahan, numero ng telepono o fax, at kopya ng pasaporte.
3. Ang bilang ng salita sa sanaysay ay hindi hihigit sa
dalawang libo.
4. Gumamit ng kompyuter o makinilya.
5. Ang mga mananalo ay magkakamit ng premyo at
pararangalan sa pagdiriwang ng "Migrant Workers Week" sa ika-8
ng Hunyo sa Chater Road.
6. Mahalagang premyo ang ipagkakaloob.
TAGAPAMAHALA: Konsulado ng Pilipinas Hong Kong SAR (Attensyon: Konsul Doy
Lucenario, Jr.
Attache Tonypet Baldovino
Mrs. Angie Aguilar, Cultural Officer)
14/F United Centre, 95 Queensway, Admiralty Tel.No: (852)2823-8533 Fax No: (852) 2866-8559 / 2866-9885

|